Pages

Friday, August 16, 2013

The Proposal

Una sa lahat pasalamat tayo sa mga pumunta, makiki-kain at mga dumalo.
Ang ngiti naming dalawa halata mula pisngi hanggang puso.
Siguro nagtataka kayo bakit dito sa McDo Katipunan, ang layo-layo.
Sa hindi nakakaalam, dyan kami unang nag-eyeball, dyan sa Ateneo.

Dati pag may nagtatanong, paano ba tayo nagkakilala?
Ang lagi kong sagot… secret muna sa kasal na or para mas kilig, siguro nga tadhana.
Alam niyo ba yung ICQ? Parang YM yun, dun ako unang PM ni Lea.

Aminin mo, malamang na cute-an ka sa name ko dba?
Nung una tayong nagkita, napa-buntong hininga ka.
Sabi mo pa nga buti na lang cute ka rin pala.

We’ve come a long way, 12 years in fact.
Naalala ko nun high school pa tayo para ka lang IHI (crowd asks "Bakit?")
Kasi pag-nilalabas kita or pag lumalabas tayo kinikilig ako.
Pero ngayon ibang-iba na, pag may gusto ka, para na akong NATATAE ("Bakit?")
Kasi hinding-hindi na talaga kita natitiis.

Kidding aside, alam mo di ko kaya ibigay ang lahat sayo.
Kasi di ako mayaman, maliit ang sweldo at sobrang kuripot ko…
So goodbye mamahaling singsing, mamahaling proposal at goodbye engrandeng kasal.
Kasi di naman ‘to palakihan ng BATO… ang mahalaga malaki ang (tingin sa baba)… PUSO.

Gaya nga ng motto ko "Mas baduy… Mas may effect"
Pag-post natin ito sa FB or sa Twitter malamang maraming likes… maraming comments.
Nakikita ko na si Brad Joel ang unang-unang comment…
"AH AH GANDA NIRE… WALASTEK!!"

Tatlong bagay lang talaga ang maibibagay ko sayo…
Una, maraming maraming memories (hands photobook)
Pangalawa, time (hands watch) dahil pahahalagahan ko ang oras nating dalawa.
At ang huli… ang aking pagmamahal (kneels down on one knee, hands the ring) and with that…
Ms. Rosa Lea Vogt, will you spend your lifetime with me?

0 comments:

Post a Comment

 

Blog Template by BloggerCandy.com